<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7272572300702950927?origin\x3dhttp://alenacruz271.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Hello Kitty



Y ; Everything has its reason.
Written at Sunday, March 6, 2011 | back to top

Birthday ng Kapatid ko. 15y/o na siya. My God. Turning 17 pa lang ako sa April. Isang taon na lang agwat naming dalawa. But not for long. Medyo 1 month lang. haha. Aun. Baket? Wala lang. Joke. :))

March na. Oo, Alena. Medyo anim na araw na ang nakalipas simula nung mag-March. hahaha. Konting mga panahon na lang, matatapos na ang Freshman Year ko sa College. Konting panahon na lang malalaman ko na kung papasa ba ako sa mga subjects ko. Eto na naman ang moment of truth. Eto na naman ang pag-iisip. Eto na naman ang pagde-decide ko.

Kung papalarin at pumasa ako sa Chemistry 2, mainam. Pero ewan. haha. Kasi naman. Chem Laaaaab. Be good. :) Sa Solid Mensuration naman, SANA. Mabait naman si Sir Mike. Nagpapasa naman ako ng mga dapat ipasang requirements. Yung mga quiz niya? Ok lang. Weh? haha. Haybasta. At eto na. Analytic Geometry. WHEW. Mukang dito na talaga magkakatalo talo. Sa Solid, kung ma-tres man ako, saved na din ung Inc ko sa Trigo nung 1st sem. Pero kung dito sa Geom, bumagsak pa din ako? Walaaaa. Bagsak na din ang 5 units kong Algebra nung 1st sem. Pataaaay. Martial Law pa man din kami kay Mam Crisostomo. Anu nang mangyayari? Hala!

But that's not the real issue. Haha. Lahat ng bagay, may dahilan. Lahat ng bagay na mararanasan dito sa mundo, may aral. Lahat, binigay nung nasa itaas. :)

May dahilan kung bakit sa simula't sapul, nakapasa ako sa Entrance Exam ng BulSuat sa kursong Computer Engineering. May dahilan kung bakit late na ginawa ung building namin. May dahilan kung bakit naging kaklase ko ang bestfriend ko. May dahilan ang bawat pangyayaring naganap nung 1st sem. May dahilan kung bakit ko nakilala ang mga kaklase ko ngayon, ang CoE-1B. May dahilan din kung bakit ang iba sa mga kaklase ko nung 1st sem ay hindi ko na naging kaklase sa ibang subjects nung 2nd sem. May dahilan kung bakit hindi ko na madalas kasama sina Glenn at PJ. May dahilan kung bakit ko nakilala ang taong bumago at kasalukuyan pa ring binabago ang buhay ko. May dahilan kung bakit nangyari ang mga nangyari nung naging kami, nung nag-aaway kami, nung napaiyak niya ako, hanggang sa nung nagkahiwalay na kami. 2months. Scratch that, 3. :) At hanggang ngayon, Oo. Hindi pa rin ako bumibitaw. May dahilan ang lahat ng ito.

Lahat naman ng bagay na ginagawa mo ngayon gusto mo eh. Yung mga sinasabi mong napipilitan ka lang? Sana in the first place, hindi mo na tinuloy. Pero pinagpapatuloy mo pa rin diba? Dahil gusto mo. :) Dahil alam mo, may magandang mangyayari sa buhay mo or sa kung kanino pa mang dahilan kung bakit mo ginagawa ang bagay na yon.

Everything has its reason. Everyone must face its consequences. You just have to have faith in everything. You just got to believe in Him.



YYY