<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7272572300702950927\x26blogName\x3dgullibly+crazy.+:))\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://alenacruz271.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://alenacruz271.blogspot.com/\x26vt\x3d-6051081248871143547', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Hello Kitty



Y ; Banat ng Pusa at Daga.
Written at Saturday, January 29, 2011 | back to top

Banat ng Pusa sa Daga:
Kahit kelan hinding hindi ako mapapagod habulin at hanap hanapin ka. At pinapangako ko na pag nahuli kita, di na kita pakakawalan pa. Di ko pababayaan angkinin ka ng iba. Akin ka lang.

Eto naman ang banat ng Daga:
Pakipot man akong maituturing, pa-hard to get ang acting. Pag ako nakita mo't nahuli, pangako ko sayong hindi ka magsisisi. Dahil para sa sarili mong kaligayahan, handa akong masaktan. Sumaya ka lang.


----

Whatever Pusa at Daga! HAHAHA. NSTP kanina. Pagka-aga aga we wala naman pala kaming gagawin sa Hagonoy. Maryosep. *parang hindi taga-dun e* haha. Kasi naman. Wala lang. Tambay lang talaga dun.

Tapos nanuod ako ng Toy Story 2. Tapos may tango. Tapos may lets. HAHAHA. Pagkatapos, sino'ng nasamid at binilaukan ng bonggang bongga habang kumakain? YAN KASI, GUMAGAWA NG MASAMA. Mamatay ka na. este, PAKABAIT KA NA. >:)

Naalala mo ung Bullets Blog ko? Out of six, four down! OYEAAAHH.. Achievement. Ü Third and second to the last na lang. Matatanggal pa ba un? Itira na natin. haha. Jk.



YYY




Y ; Ramdam eh. Hirap. XD
Written at Friday, January 28, 2011 | back to top

Kahapon ay Thursday. 6PM ang uwian. So 6.30 nga ako umuwi. Hoho. Kinilig naman daw ako ng konti. Nakasakay ko ang aking Oh So Looong Time Crush. Yea, nalibre pa. Kapal ng mukha. haha. Tapos aun. Ang daming dapat gawin at aralin para sa kinabukasan. Haha. I mean, para sa Friday which is ung kinabukasan nga. Bukas. HAHAHA. Gulo. :P

9:30 PM nung sinimulan ko na ngang mag-aral sa baba. Syempre, hindi ako makakapag-aral pag dito ako sa kwarto at sa kama ko lang nagstay. Panigurado bagsak agad ako. Pati na rin ung mga grades ko. hahaha.

Social Science. True or False lang naman. So medyo nakapagbasa ako ng konti. haha.
Chemistry. Lab and Lecture. Nakapagsagot naman. Pero may mga naiwan pa din.
Geometry. Malinis. Walang walang sagot. Di man lang ako nag-try. HAHA.
Solid Mensuration. Hindi ako nagreview. HOHO!

Nagawa ko lahat ng yan in just one hour. Pagakyat ko dito sa kwarto, chineck ko ung cellphone ko. Aba, may text si lets. HAHA. May itatanong daw na seryosong bagay. 10 minutes late lang naman reply ko eh, di na nagtext ulit. Aga makatulog. O.o

Si Daddy ko naman ung tinext ko. AS IN ung real daddy ko na nasa Saudi. Papatulong sana ako ng assignment sa Geometry e. Deh nung naghihintay ako ng reply niya, bumaba ulit ako at naghilamos, chuchu. Pagakyat ko, 3 missed calls. Wheeew. haha. So tinext ko na nga ulit. Unfortunately, wala pala siyang internet connection ngayon. Tsss. Tinawagan pa ako. haha.

Dun naman ako naiyak pagkatapos naming magusap saglit. Huuuuu. Namimiss ko na daddy ko! :( Wala akong tutor, wala akong katulong sa paggawa ng assignments ko, wala akong moral support sa kinuha kong course. Jusko! Promise Daddy, umuwi ka lang. Panigurado, hindi ako papalya dito sa Engineering. Tsk. Pero waaag. Hindi ko makukuha luho ko. Jooooke. haha. Ang gulo lang eh. XD


Eto na nga ang ngayon. Kinukulit ko si Lets dun sa tanong niya last night. Ayaw naman niyang sabihin. Tinopak agad. Knuwento ko nga kasi na naiyak din ako last night. Buti pa daw Daddy ko, una kong tinetext. Eh jusmiyo. Una ko siyang nireplyan bago ko itext ung daddy ko! XD Nung natapos ang Soc Sci, may topak pa rin siya. Dun na lang daw ako sa Daddy ko. Dun na lang ako kay Daniel.

1..

2..

3..


*sa isip ko*: HAHAHAHAHAHA.
*in reality, sinisigawan si Lets*: Uy hindi naman si Daniel ung tinutukoy ko eh! Yung totoo kong daddy, ung nasa Saudi! Topak mo!



YYY




Y ; Wag Na.
Written at Monday, January 24, 2011 | back to top


Wag Na
by Yeng Constantino

Mabigat na naman ang hikbi, parang pelikula.
May kirot at hapdi ang ngiti, pilit kinakaya.

Pwede mo namang gamitin ang panyo ko, alam mo 'yan
.
Kahit wag mo nang ibalik, wag lang makita kang nagkakaganyan.
Wag Na.

Wag ka nang mangamba, wag mag-alala. Luha'y huhupa.
Kahit masakit pa, parang bibigay na. Luha'y huhupa.
Ibabaon din ng panahon mga luha mo ngayong iniipon.
Wag Na.

Nabibingi sa linya mo, wala 'kong marinig.
Kundi patak ng luha mo, dito sa sahig.

Pwede ka namang sumigaw kahit sa mukha ko, alam mo yan.
Laway mo'y di iindahin, wag lang makita kang nagkakaganyan.
Wag Na.


Tutal nageEmo na rin naman ako sa mga nakaraan kong blogpost, lubus-lubosin na natin. ;-) Yeaaahh! Rakenrol! \m/ hahaha. Lech. Nainlove ako sa music video neto. Wapoinks. Gusto ko pooooo. :)) Eh kaso wala eh. hahaha. Anyway, high-way. Eto na nga ang Emo Post.

Waaaaaa. Ang sakit!! *WEH? Seryoso?* hahaha. Tsssssskkkk. Hirap po. Grabeyy. Hiiiirrrraaaaappppp. >_<. Nasabi ko na bang mahirap? hahaha. Kaya ko pa ba? Napapagod na ko. Ajuju. haha. Ayan na oh. Masaya siya. Rawr. Mas pinipili ko pa kaligayahan ng iba. Kaya ngayon, narealize ko. Paano naman ako? :/ Ayoko nang mag-isa, pero gusto ko din namang sumaya. Wheew. Bumabalik na naman ako sa pagka-emo ko. To the point na gusto ko ng mag.. YEAH! \m/ haha. I mean. Ang lungkot po. Oo, kaya ko maging cheerful sa school, sa harap ng ibang tao. Pero pag ako na lang mag-isa? Wala naaa. Time is up. Back to reality. Sinasabi ng mundo na, Alena. Hindi ka masaya. AAAHHHH! hahaha. Kasi naman pinaasa ko ng Happy Moments na yan eh. <./3 Choos! XD

Whatever. Ang bait ko kasi. Ang bait bait bait ko. Ako tuloy naaapi. EEEKKKK. hahaha. Pero kasi namaaaan. Bakit ba ang bait ko? Bakit ako mabait?! :( Haaaaayyysst. XD Eks Di. Di ko na alam gagawin ko. Wala nang magandang nangyayari sa buhay ko. Paulit ulit lang, ganun. Tssssk. Gusto ko ulit ma-excite, ano ba. Wala nang thrill. Tss. Gusto ko lang ng may nakakasama. Gusto ko nalilibang ako. Gusto ko hindi ako malungkot. Gusto kong maramdaman na may nag-aalala saken. Gusto ko ung hindi na ako nasasaktan. :|

Okkkkks. Lalaki lang yan. Malayo sa bituka. Eh un na nga eh! Di ba pwedeng nasa bituka na lang? Lowbat na ang emotions ko. Gusto ko nang i-shutdown ang lahat ng ito. /laslas.


..


..


..



CHIING! Buhay pa ko. Duh? Dahil jan, magpapakamatay ako? NEVAAAHHH. Lilipas din 'to. Hindi nga lang sa ngayon. Alam kong matagal. Pero good things come to those who PATIENTLY wait. :)


PS:
Happiness kooo~ Asan ka na ba? Tara na dito oh. Bilis. Dali! Gusto ko sa birthday ko kasama na kita ha? Gusto ko din ung hindi ka temporary lang. Permanent na. Salamaaat. :)




YYY




Y ; Secrets Revealed.
Written at Sunday, January 23, 2011 | back to top

I just gotta spill this. Hindi ako makaka-move on sa ginagawa kong 'to we. FCK. Panu ba 'to? Aaaaaasa much. >_<.

  • Hindi ako makaka'move on kung alam ko ang password niya sa Y!Mail at Facebook.
  • At kada open ko ng laptop, binubuksan ko din sila to check those accounts. -____-
  • He's my classmate. Wala pang may alam sa 1B na wala na kami. And I guess, even the Bagang.
  • But we chose to act like nothing happened. Kami pa rin ang palaging magkasama at magkatabi. -_-
  • We still communicate. Through text. Every fucking late at night. Psh.
  • And the very depressing part. I got to return his tango. Awww. Lets. Lets. Lets. L*st.

Gusto kong umiyak. But I have swear to myself, hindi ko na siya iiyakan. Siya na rin ang nagsabi, wag na din akong umiyak kung siya lang din ang dahilan. Pero bakit ang hirap? Ang hirap magpigil! Ang sakit. Ang sakit sa dibdib. WAPOINKS. Joke time. haha. But yea. Sabi nga ni daddy Darel:

"Parang cellphone lang yan. Dumidepende kung gaano katagal ka nag-charge ng battery, ang life ng battery mo. Eh kung saglit lang pala, at 1 bar lang ang napuno sa cp mo, eh madali mag-eempty ang pain sayo."

Which means, we only reached 2 months. Mabilis at saglit lang na panahon pero ano'ng magagawa ko? ANG DAMING NANGYARI. Para sakin, hindi ganun kadali kalimutan ang lahat ng yon. :| Oo, hindi mo aakalaing sa two months na un, ang dami naming pinagsamahan. Masyado naming minahal ang isa't isa. We became obsessed with each other. Kaya ang hirap hirap talagang ibaon na lang ng ganun kadali ang lahat sa limot. Tsk. Maaalala at maaalala ko pa din lahat ng 'yon, kahit ano pang mangyari.

And the bottom line is..
I can't let go.. ;(



YYY




Y ; Happiness and Lets. XD
Written at Friday, January 21, 2011 | back to top

Panu ko ba 'to sisimulan? XD So for the second time around, we're officially over. Ha-ha!

Thurrrsday. My Bitter Day. 20 naman e. Legal. LOL. Basta, iritang irita ako nung araw na un, plus another reason to be legal, i still got my PMS. XD

So yeaah? Two hours vacant before magMidterm sa Filipino, nagstay kami sa Activity Center. Hindi para magreview. HOHO. Wala eh. Kung ano2 na namang bagay napagusapan namin. TSSSSSS. English-an eh!

But still two hours wasn't enough. Kaya pagdating namin sa room at may konting time pa para magreview, he texted me. "wag ka papaapekto sa pinagusapan natin kanina ah." Well I just replied, "K. =))" Sana pala sinabi kong, "ikaw din." Kaso hindi e. Aun tuloy, feeling niya tuloy siya ang lowest samin. Although hindi naman. Tsk2. Deh ako na nga po may kasalanan.

Dahil ako nga ay iritado. LOL. Watta word? Humingi ako ng rescue kay Daddy Daniel. Zagu ulit jan! Uwian na after ng Midterm sa Filipino. Pero ayaw ko pa siyang paalisin. Yeaa. Napuno na siya. Soooobrang inis na siya sa ugali ko. KAYA AYUN..

Nagtake out na kami ni Daddy ng Zagu sa Puregold tapos bumalik sa Student's Park. haha. Andun sila Airson at iba pa nilang kaklase nung High School. Tapos dumating na din si Aidz. Tapos.. Nakikipag-away na nga ako dun. Sa kaaway ko. :))

And.. we're over like that. haha. Ano daw? Syempre, I'm supposed to be sad. WEHHH? DI NGA? Haha. Pero hindi. Kasama ko sila Aidz e. Masaya sila kasama. So alam na. By 6pm hinatid na din nila ako sa Main Gate. Muntik pa nga akong masagasaan ng truck eh. *pero wala namang busina* sadyang madrama lang talaga effect ng paghabol at pagtawid din nun ni Dade. haha.

Deh aun nga. Katext ko pa rin ang kaaway ko habang nasa jeep ako. Pero nung nsa trike na, nwala na din siya. haha. Away much? Pero hindi dun natatapos ang away. Panibagong english-an na naman. Around 8pm, nagkatext na naman kami. Konting away ulit then nung nageemote na naman siya. "bkt ganto. nkkpagbreak ako pero nlulungkot ako." eh binanatan ko nga ng isa. "ako ang happiness mo eh." NICE ONE ALENA! hahahaha.

So un. Hindi na rin siya nagemote nun. Text text lang kami. 'til 2am. YEEPP. Seems like hindi kami nagbreak. Eh syempre, hamu na nga. HAHA. Ano ba. I think we're better off this way. At kahit papano, mas natatanggap ko naman agad. :D


Some little proof?..

This is today. WEINKS. Soc Sci. pero dahil sa puyat nga. Hindi na siya nakapasok. Hanep. Wala na naman siyang activities. Deh ako na walang katabi nun. Buset. XD After soc sci was free time. Dumating na din siya. Buti naman at tapos na rin ako mangopya at magsagot sa Chem nun so binigay ko na sa kaniya ung sakin at pinakopya siya. Nung Psych, magkatabi kami. *sabi niya eh* LOL. Nagquiz lang kami nun tapos maaga pinalabas. Ganun din sa Chemistry, saglit na quiz tapos nagkwento lang si Ma'am about sa Field trip. Laughtrip magkwento nun si Ma'am eh. XD So un, nalaman kong ako pa rin naman pala ang makakatabi niya sa bus. :)

Geometry, ang lamig sa AVR. SolidMensuration, magkatabi na naman kami. Pero wala na kaming gana makinig nun. Gutom na eh. Nagdrawing lang siya. Ako, kung ano2 basta. Hindi ko pa rin magets dnidiscuss ni sir nun. haha. At sa wakas, uwian na. Makakakaen na rin kami! Yep, sabay pa din kami nglunch nun sa Canteen. Tapos sinamahan ko siya sa Students Park, kasama ang Bagang. Parang dati lang. hehe.

Aun, nung dumating sila Ilyn at Tam, sumabay na din ako sa kanila nun umuwi. Pagkauwi ko naman ng bahay. Grbe. Weekend na pala. KABAGOT. Whew. So nakatulog pala ako ng 6pm at magna-9pm na nung nagising. May text na din siya nun. Kaya eto. Magkatext na naman kami ngayon. HAAY. :)

Yea. I guess, we're really better off this way. Just friends. Kahit ayokong mawala siya, at least by this way, hindi talaga mangyayari yun. Sabi nga sa quote, pinili ko kung saan kami magtatagal. Alam ko namang kahit papano, ayaw din niya akong mawala. Kailangan niya ko e. haha. Jk. Pero siyempre, may mga tao talaga sa buhay mo na dadating lang para turuan ka ng mga leksyon at ipa-experience sayo ang mga bagay bagay. WEHH. haha. Tsaka ang hirap din na kaklase mo ang ex mo nu! Mahirap nang baguhin ang nakasanayan so ganun na lang. Parang walang nangyari. At walang may alam sa mga kaklase namin na wala na kami. Hindi naman halata e. hahaha.



YYY




Y ; Tongue Twister.
Written at Sunday, January 16, 2011 | back to top

Ako, habang nagkakabisa ng Tongue Twister..

"Sarah Shuster and Susie Simpson, Sam Simpson's sister, shouted she saw seven short shivering soldier sadly standing on the shining, sandy seashore, severely shaking six sick shy shorn sheep sold by the sheriff for sixty cents."

Pumasok si Mommy sa kwarto, akala kinakausap ko siya.

"Ano? Nagkakabisa ka na ba ng Hapon? O.o"


HAHAHAHAHAHA. Eksena ni Mame. Sinira concentration ko sa pagkakabisa. :| =)))))



YYY




Y ; Reason. (English-an, eh!)
Written at Friday, January 14, 2011 | back to top

.. tsaka bakit mo binalikan si iwashita?

i got a purpose.

i know, i won't ask you to break up again, i won't give any advice that will force you to do something against your will. what i want to know is, does he deserve your kindness now, and that's the purpose of changing pavements? haha, hate english.

you're talking serious huh? i know he really don't deserve my kindness. and i think that's why sometimes.. well how do i say this? basta wala kang mapapala sa buhay mo kung palagi kna lang mabait. bakit pa nasa dictionary ang salitang evil diba.

well, if talking evil, rawr, i'm an expert in that line. haha. why nga? gulo, magpapaka'salbahe kna, ganun ba?

not exactly. i'm still that kind friend you know ever since the third year. and besides, if i do anything evil, alam na ng mame ko kung sino ang dapat sisihin. XD

ng mame mo? i see, haha. ok. but if you want some absolute evil, i can teach you. whahaha.



YYY




Y ; Meet my Mother
Written at Monday, January 10, 2011 | back to top

Nooooohh!!! PLEASE. No! Cannot be! Promise. Hindi talaga maaari!
HAHAHAHAHAHAHA. Hibang na. BWISET. Tsk. Help me Lord. Toinks. XD


Magaala-HIATUS muna si Ako. I mean. Hindi katulad ng dati na ilang oras akong online.
Kasi... Wala lang! Joke. haha. Concentrate muna ako sa studies ako. At aun din kasi.
Nagbbloom ang social life kooo~ Wapoinks. Basta. Paki-katukan na lang ako sa ulo pag nakasalubong niyo ako. ;-)



YYY




Y ; Nakakamiss.
Written at Tuesday, January 4, 2011 | back to top

Nakakamiss. Nakakamiss. Nakakamiss. Nakakamiss. Nakakamiss. Nakakamiss. Nakakamiss. Nakakamiss. Nakakamiss. Nakakamiss. Nakakamiss. Nakakamiss. :((



YYY




Y ; Mild Monday.
Written at Sunday, January 2, 2011 | back to top

Back to School na naman bukas. Haist. Tapos na ang Christmas Break. Leche. Parang Summer Vacation. hahaha. Mahihirapan na naman ako neto mag-adjust. Pahirapan na sa paggising at pagbangon ng maaga plus pagco-concentrate at pagttyaga mag-aral. My God. January. MidTerms na ‘to! Bonggang bonggang paghahabol ang mga magaganap. Hindi kami gaanung nakapag-lessons last two months. Masyadong maraming activities this second sem. Pero woah. Ambilis. Last three months na lang! Toinks. Graduating ba? haha. Pero sana naman.. Makayanan ko ‘to! Ipasa mo ko God sa lahat ng subjects ko! Nye? haha. I mean, heeeellllppppp! :))

Three subjects lang for tomorrow. Chem Laboratory, Social Science and Analytic Geometry. Palagay ko ba e, quiz na kaagad kami sa ChemLab. Yun kasi pagkakaalam ko e. Nakikinig naman ako nung mga last meeting na namin last year nu! HAHA. Oh well. Problem Solving to. Patay duon. Goodluck! So help me God talaga. XD

Social Science. Well. Mabait naman si Cornbits. Este, Ma’am Corbito. haha. Magbasa ka lang ng libro at magparticipate sa klase niya na parang isang Elementary student. Promise. haha. May assignment lang sa book neto. Galing, alam ko. Absent pa ko nyan nung last meeting ah! Huhu. Wala akong 20 points. Sayang ung activity na un. Kase naman e! Palate-late ang bata! Aju.

Analytic Geometry. Hmmmm. Hmmmmm. hahaha! Ewan ko ba. Haist. Hahalungkatin ko na lang ang libro ko mamaya at subukan na mag-aral. Toinks. Subukan daw. Gawin mo Alena, please! Hoho. Palagi akong tinititigan ng libro ko e. Nakaharap sakin pag natutulog ako. haha. I mean, Nasa harap ng kama ko ung lalagyan ng books ko. E ang tangkad ng Book ko na un. Siya ung nauuna. Nakaharap tuloy sakin. Aun. XD

So eto lang ang masasabi ko. Major Major Goodluck Alena! Pagbutihin mo sa pag-aaral. Plehz, 2011 na! Pakiiwanan na sa 2010 ang mga katamaran mo nuon sa pag-aaral. Besides, may inspiration ka naman na. Wiwit. hahaha. Makakasama ko na naman siya araw-araw. As in siya na naman palagi kong kasama all throughout these last three months of the second sem. Tapos nun. HAIST. Wala na. Summer na. Birthday ko na. Ajuju. HAHAHA.



YYY