<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7272572300702950927?origin\x3dhttp://alenacruz271.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Hello Kitty



Y ; Hi. Merry Christmas! :)
Written at Saturday, December 25, 2010 | back to top

So ikkwento ko na nga lahat ng mga nangyari kahapon, December 24. Deh, Joke lang. Basta magkkwento ako. haha.

Ok. Pinayagan nga ako ng Mommy ko na lumarga kahapon. Sa pagaakala niya na may Christmas Party ang klase namin, binigyan niya ako ng normal amount ng aking baon kapag may pasok. Oyeah! \m/ Tinanong pa nga niya ko kung saan e. Sabi ko, sa Malolos. Pero hindi ko alam ung tawag sa lugar. Lusoooot. :P haha. Nauna siyang umalis sa akin. Nakalimutan niya ung cellphone at salamin niya. Tsk. Pagkaalis ko, nun ko pa lang naalala na wala akong panyo at nakalimutan ko din ung libro ni Bob Ong na hinihiram ni Yuji. Tsk. Manang mana sa pinagmanahan. XD

Gumora na nga ako. Nagkita na kami sa Bayan ng Malolos. Sooobrang daming tao. What do you expect? Nagpunta na kami sa kanila at nanuod ng Doramon. haha. Joke. Di ko alam ung pangalan ng palabas e. Pero pambata. Disney eh.

Around 9:30 umalis na nga kami. Kasama sila Ejay, Kistian, Ninong Von niya at Tita Gie niya. whaha. Pati pala tito at tita niya and their kids. Tas aun. Saglit lang naman ung byahe. Nalaman ko pa na sa isang bahay malapit sa Marcelo nagshooting din ung Dalaw. Ows? haha. Aun, hindi masyadong traffic sa Manila. Nakatulog saglit si Yuji sa balikat ko nun so nagsoundtrip na lang ako. Wala siyang tulog e. Naglaro pa ng matagal bago gawin ung painting niya. Di rin naman natapos. Tsk. XD

Nung nakarating na sa Airport, nagstay pa muna kami sa sasakyan, kumain. haha. Nung 1 na, pumunta na kami sa mismong airport tas medyo naghintay ulit. Hintay.. Hintay.. Hintay.. Boom! haha. Dumating na nga ang mama ni Yuji. Bineso ako nung tinuro na nga ako ni Yuji tapos aun. Ang payat ko daw, gusto din daw niyang mag-shorts at.. ang ganda ko daw. HAHA. BLEEEHHH. :P Basta aun, magpataba daw ako. :)

Nagyosi muna siya bago kami sumakay ulit ng sasakyan. Bagong seating arrangement. Ang naging magkakatabi ngayon ay si Ejay, mama nila, Yuji tapos Ako. :)) Grabe. ang Cool, kalog at ang bait ng mama ni Yuji. Grabe. I like her! whahaha. So ako talaga dapat magLike? Whew. 18 years old lang pala siya nung pinanganak niya si Yuji. Eh 18 na si Yuji ngayon. Alam na. Doblehin mo lang age ni Yuji, age na ng mama niya. :) Tapos napunta sa age ko. 16 pa lang kako ako. Nagulat pa siya e. 15 lang daw ako grumaduate ng high school. Ang talino ko daw? Wehhhh. XD

Tinanong niya kami kung ilang months na kami. Whaha. Hindi ako ung sumagot, hinintay ko si Yuji. Dapat alam niya nu! haha. Natawa pa nga mama niya nung matagal sumagot e. Mali daw ba ung tanong, ilang linggo? Whew. Aun. Tas tinanong din ung tawagan namin. Unfortunately, wala nga. haha. Ayaw pa maniwala e. XD

So habang pauwi na nga kami ng Bulacan. Nadaanan pa namin ung mga Float na kasali sa MMFF. Hanep. Nakakita pa ng artista. Metanoia, Ang Tanging Ina, Father Jejemon at Super Inday and the Magic Bibe. Nakita ko si Ai Ai, Shaina, Aron, Nikki Valdez, etc. XD Nakita ko din si Mr. Fu. haha. Then, stop over sa KFC. Kaen jan. haha. At eto na nga. Whew. Binigyan ako ng aginaldo ng mama niya. Merry Christmas! XD Nung inutusan nila si Yuji kasama ako na umorder ulit ng pang'take out, sabi ni Yuji saken PARANG ako ung favorite ng mama niya sa lahat ng naging girlfriend na pinakilala niya. WHEW. Ako lang daw ung binigyan? hahaha. Pagktapos. Mabilis lang byahe namin. Oyea. Hindi kami na'traffic. :))

Paguwi sa kanila, rest muna. Whew. haha. Tapos aun. Bonding bonding. Umalis sila mama ni Yuji tapos iniwan samen ni Yuji ung National Treasure. Binilinan na wag namin iiwan kung saan at wag kaming aalis. Waaa. 5:30 na hindi pa rin sila umuuwi. Tsk. I need to go home! Magsisimba pa ako. So aun, hinatid na ako ni Yuji. Grabe. 7pm pala ung mass kaya minimiss call at ilang text na ako ng mame ko. Sorry naman, kala ko 7:30 e. haha. So dun na nga ako bumaba sa simbahan. Nakaabot pa naman ako. 1st reading. Whew. Tsk. Wala nga lang upuan. Grabe lang outfit ko nun. Tsk tsk tsk. Tagal pa ng misa, hindi na namin tinapos ung sa blessing. E kasi, may siningit pang ek ek. Eh high tide pa. haha. So paguwi. Hmmm. Kumain. Gutom na ako e. Hiniram ni mame ung laptop ko. Tsk. Nagtopak ung cellphone ko. Tsk. Ang sakit ng buong katawan ko. Tsk. So bagsak. Tinulugan ko ang Noche Buena! HAHAHA.



YYY