<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7272572300702950927\x26blogName\x3dgullibly+crazy.+:))\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://alenacruz271.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://alenacruz271.blogspot.com/\x26vt\x3d-6051081248871143547', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Hello Kitty



Y ; Service.
Written at Sunday, September 26, 2010 | back to top

Patay na ko neto. hahaha. XD




YYY




Y ; magkkwento lang ako. ;)
Written at Monday, September 20, 2010 | back to top

MONDAY! Ugh. I hate this. haha. It was hard for me to sleep last night because of the Paranormal Activity 2 thoughts. haha. Gladly I was able to fight it and I was able to overcome my.. fear? haha! I think of some.. eew' memories with my loveD oneS. haha! double meaning? ayt. :))

So here it is. Algebra is our first subject. I am beginning to like our professor because of her great sense of humor. whew. Kung hindi man niya kami mapatawa, at least ako napapangiti pa rin. I just hope nage'gets ko ung mga tinuturo niya diba? Sana pumapasok at napa'process ng utak ko. Whew. Magkakaalaman sa Wednesday. :| =))))

Then we have our Philo Class while it was raining and thundering outside. Whew. Eto namang si Glenn, napansin lang na nakatabing ung buhok ko sa mukha ko nung kausap ko siya. Bigla na lang kumanta ng.. Come back to Rejoice-ing. Ah ah ah Ayos! hahahaha! Buset. Nasa harap pa kami, tas napaupo naman daw ako sa may board kasi nga naaasar ako tas natatawa. haha. Syet. Naabutan ako ni Crush na ganun ung lagay. haha! Nahiya naman daw ako ng slight. XD

Next class was Filipino. We had our quiz. At anak ng.. Absent ako nung last meeting! haha. Buti na lang idioms lang. Whew. Nakasagot naman ako. haha. Tapos walang English! haha. May hebor ako sa kabilang room. Err. Scratch that. Maituturing pa ba na hebor un? haha. Ah basta. May hebor din ako malamang sa loob ng room nu! Syete talaga. Nagkakahulihan ng tingin. haha!

Early lunch with Jhem, Glenn and PJ at KFC. Medyo matagal din ang pagtambay at pagpapalamig dun. haha. By 1PM, Nagpunta kami sa Activity Center. At ayon. Nakahebor pa naman si Dude. Whew. haha. Chikahan tas aun. Pumunta na kaming magkakaklase sa may Heroes' Park. Andun other classmates namin eh. Waiting for the announcement kung may Drawing ba o wala. Whew. Pinamigay na rin ung ID Strap ng Org namin. At ang chaka! haha. Kulay black na nga, NAPAKAmadali pang masira. Juskeli. Ano kaya yon? haha.

So tambay pa rin muna kami dun sa Heroes Park. Medyo ayaw ko pang umuwi kasi nga may hebor pa ako. hahahaha! Nakakainis lang ulit. Sila Glenn at PJ na naman. haha. Nang-aasar na naman. Aun si PJ inaakbayan na naman si Crush ko. Nagpapahiwatig. Ewan, basta. haha. Tas eto namang si Glenn, biglang sabi "Yujiiii! May kaibigan kaming single. :D" Lintek. Nangingiti na lang ako nun tas kunwari kausap ko sila President. Whew.

Tas naglaro na lang ako ng as usual. Ano pa ba malalaro sa cellphone ko? haha. Text Twist! Eh hindi ko masagot ung longest word. Deh nagpaturo ako kay Kakosang Jaymark. Medyo malapit siya kay Yuji eh. *hayshet. Ou na ho. Siya na ang Crush ko! haha.* Ehde aun. Napapansin kong nakangiti nung nakatingin samin. WHICH MEANS. Gusto din ata niyang sagutan ung Text Twist? haha.


Flashback..
Tuesday. PE ko, kaya ko natatandaan. Ok? Pumasok na siya neto. Nagka-sore eyes siya we. Location: Nursing Canteen. and as usual. Spare Time: Playing Text Twist.

Me: Uy Yuji, sagutan mo nga to.
Yuji: *takes my phone*
Me: Ai teka! Baka magkasore Eyes. :D

JOKE! haha. Tapos aun. Basta. haha. End of Flash Back. ;)


So nung nakabwelo ako. I took my cellphone from Jaymark then approached Yuji. Deh aun, hinuhulaan na nga niya. Nakatayo lang kami nila Andriel nun. Pati na rin pala si Pareng Alvin. haha. Eh nakita kami ni Bhez. Nung paglapit saken, bigla akong tinulak. Leche! haha. kinikilig ako. echos. hahaha. XD paaak. muntik pa ko makapagmura nun. Whew. Sadya much? Tas nun ko naman nalaman na sa Marcelo pala siya graduate at Newton ang section. Ngayon ko lang nalaman sectioning dun. Mas mataas ang IV-Newton and Einstein sa IV-1 dun. WOW AH. :)) Kaya pala nung.. Basta. I'm stalking last night. hahaha!

Tas aun. Umupo kami. Hindi pa rin kasi masagutan eh. Hindi makapagconcentrate ung utak. haha. Eh nakita na naman kami ni Bhez. Nako. Nung lumapit, sabay sabi ng Yiiiih. TEK. Wala na. Sa tingin mo, obvious na niya ako? TSK. haha.

Tapos nag-aya na sila Karen sa Mcdo. Whew. At ang lamig sa pwesto namin. Sobra. Tapat sa aircon! haha. By 4pm, uwian na. At kamusta naman. Nauntog pa ako ng bonggang bongga sa Jeep! haha. Pero infairness, hindi naman daw ako nagiisa. Pero sa tingin ko, sakin pa din ung pinakamalakas na untog! :| TSK. haha. :))


So aun. Ang daldal ko na. :)) hehe. I want to update my relationship status sa facebook. As Single. Eh kaya lang. Baka lalo na ako mahalata ni Crush niyan! haha. So wag na lang. Next time. ;)



YYY




Y ; Movie Marathon. Ü
Written at Sunday, September 19, 2010 | back to top

So yesterday was September 18, 2010. And I supposed to have NSTP Class at 7am-10am, but I went absent. Tinamad akong bumangon, anu ba! haha. So instead of nothing to do and lie on my bed for the whole day, I checked out my Pinky and watched some films which I got from my classmate, Neil's laptop.. *when we were at Yuji's house* yiih. maisingit lang! haha. :>

The first film I watched was the Toy Story 3. haha! Funny, I haven't watched the Toy Story 1 and 2 yet! Not a fan of this movie though. ;-) But still I liked the movie. I've cried when it is about to end. Specifically on the part when I thought the toys were going to get burned and each of them held hands to one another. awww. :| Until the ending, my tears can't help but fall. It was so glad to feel like a kid again. Just playing with your toys and not experiencing any matured problems. As the quote goes,

"Because in college you forget about your heartbreaks, you make new friends, you experience new situations, you explore the world, you discover who you are and what you want, you live, you endure, you pull all-nighters, you laugh with your roommate, you party it up, you wish for something more, you write, you study, you suffer at times, you cry, you walk, you stress out, you stay up late, you wonder, you explore, you persevere, you miss your family, you find something different."
- Tumblr.

Through this film, I've learned to value MORE my things and stuff that have been with me right from the start. Those toys, stuffed toys, whatever things I had that have so much value. Because I am a sentimentalist. Even a single file here on my laptop containing just a simple message archive value to me, really. That's my secret. I'd forever keep it if I could. That's why sometimes whenever reformatting comes into my head, I'm thinking twice. I don't want to clean up my files here. They have been so important. :)

By the way, me and my youngest brother, Allen, watched the film together.. with the earphones only to ME. haha. So I wonder, he still got to understand the movie even though he wasn't able to hear the characters are saying. LOL. :D




Ok. So the second film I watched was The Last Airbender. Hmm. Ok. I was astonished by the effects. haha. Speechless. Anuberr. I really got no words eh. I've read a movie review kasi about this and it was not that positive. Ok, I'll just shut up. haha. I just can say that the movie was great. The story, the characters and most especially, it teaches us lessons. Never giving up not just for your sake but also for the others. That's all, thank you. Bow. HAHA. *kasi naman ehh. Sabi ng isa ko pang kapatid na si Al, mas maganda pa panuorin ung cartoons, haha. Tapos may mga naiba sa story, nabawasan, naCUT. haha. You know. Like for example. Sa umpisa. Dapat sinira nila Ang ung barko ng Fire Prince. bwahaha. Ewan ko ba dun. whatever.* =))) Pero basta, ang galing ng effects, hindi madali un. haha. Ang gagaling din ng mga gumanap. Yon. Watch out for the next book. ;)



And the last movie I watched was The Sorcerer's Apprentice. *sorry na, ibang language* WHEW. At first nagdadalawang isip pa ako we. Baka hindi maganda to? Papanuorin ko pa ba? Tsaka gabi na rin nun. haha. But then I give it a try. haha. Nanuod na lang ako sa kwarto ko. Loudspeaker. Tindi ng effects eh. haha. I swear, hindi mo mabibilang kung ilang beses akong nagsabi ng WOAH! SHT! OMG! GOOSH. WAAH! hahaha. Galing talaga. The film features magic and science. Dave was good at physics, and he was chosen to be a sorcerer. Great. Naisip ko naman. A physics teacher may have the possibility of becoming a sorcerer too. LOLJK. whehehe. :)) Ang galing talaga we. Amazed na amazed ako dun sa naproduce na sound and light waves ni Dave. Yung napatugtog niya sa tune ng Secrets by One Republic. Amazing talaga. Gusto ko din matry un. haha. So aun, in the end. Talo ang mga kalaban. haha. Napigilan ang sign at si Morgana. WHEW. haha. And so Balatazar and Veronica, Dave and Becky lived happily ever after. haha.



YYY




Y ; sixteen and seventeen.ü
Written at Saturday, September 18, 2010 | back to top

SiXTEEN. Ü
- Thursday pala. So 9am pa ang first class ko. Hmm. Long test sa Trigo! Before ako umalis ng bahay, nag-review muna ako syempre. Buti naturuan na din ako ng pinsan ko dito kahapon. :)) Tsaka duh. Sana naman mabago na ung kinagisnan kong 70 nu! haha. So pagdating nga dun sa room. As usual, andun na si sir. Aga nun eh! Deh nag'start na nga un exam. WHEW. Multiple Choice! haha. 2pts each nga lang. Aw. :| Tapos ung 5 problems. Putek! Nakalimutan ko pa kung paano kunin ung X! Tsk. Sayang! haha.

After nun, 1 hour Vacant tapos Chemistry. Discussion. At Computation na naman ang topic. haha. Tapos, imbes na maguwian na, hindi pa namin uwian ni Bhez kasi may make up class kami sa Drawing. Tsk. Sinamahan ko siya sa Puregold para bumili ng Shawarma. Tapos hindi naman pala niya ko sasamahan magLunch! Tsk. Gutom na ako! haha. Buti na lang nakasama ko si Princess. At tumagay na naman ako. haha! Nahuli ko kasing iorder ung Coke Float eh. Deh dalawa na naman ung Coke ko dahil sa McSavers. haha. Tagay! =))


Tapos. Drawing na namin ni Bhez. Kasama ko pa rin si Princess. Ala, nanggulo lang siya. Amp. Winala pa niya ung screw ng Compass na hiniram ko sa kaklase ni Daniel. WHEW. haba! haha. At aun, ang hirap. Ang alam lang namin na sukat eh 5cm ang cirlce. Eh hello?! Panu naman ung sides? Tsk. Hindi DAW kasi dala ni sir ung kopya niya. Amp. Pero wag ka. Hindi mataray at masungit si Sir ngayon. haha. Parang may sakit. haha! :D So in the end, isang polygon lang ang natapos ko. SQUARE! hahaha.

Umuwi na ako. *forever alone* LOL. Dapat kasabay ko si Jeanette, eh nalobat na siya. Aun. Pagdating sa Bayan ng Hagonoy, bumili muna ako ng Chillz sa Mini Stop. COFFEE! Ok. 2nd time ko makainom ulit ng kape after kong malasing nun August 25, 2010. HAHAHA! Putek. Unforgettable ba? AND SPEAKING OF. Nung hinihintay kong lumabas ng SMAH sila Emae sa waiting area nun. Dumating naman si anporgetabol. waha. Biglang nagkaron ng codename?

Medyo fast forward na. Umuwi na ung Jhallibheibx tsaka si Ate Alby. Pero si Karel, sinamahan ko ulit sa SMAH. CLINIC! Wee. Di pa ko napansin ni Nurse. Tampo ako. EKK. Tsk. Ayaw ko pa pumasok nun eh. Andun kasi si anporgetabol. haha! jk. Keri lang. Kasama ko naman si Karel eh. Chika chika dyan! Pati si Sir Jeff, nadamay pa sa chikahan. haha. Daldal ko nun. Tas basta. Nung natahimik eh. Alam na.. :) Sabay sabay kaming umuwi. Wee. I mean, lumabas ng SMAH at magsarado ng Clinic. haha. Tas aun. :) Nalibang ako masyado. Nakalimutan kong may dapat akong iprint na project. hoho. Basta. Ayon. Tas may load nga pala ako kay Daddy. Bwahaha.


SEVENTEEN. Ü
- Friday. Org Shirt. 7am ang first class, Filipino. Pero dahil sa puyat nga ako last night, tinamad akong bumangon. Bwahaha. I lied to Mom na 9 pa klase ko. Eh second class ko na yon. bwhahaha. Aun nga. Algebra na. Hmm. Medyo lutang pa ko. haha. 1 hour lang naman after nun, Chem Lab na. WHEW. Nagsagot kami ng Exercises. Computation diba? Akalain mo un! Nagsagot ako. haha. Ang tamad naman ng mga kaklase ko, sakin pa nangopya! LOL. Achieve na achieve. :))

Sinipag ako nung Si Bea nakatabi ko. Hindi si dating crush. Oyea. DATI. Kasi may bago na. At alam na ni Bhez. Kaya aun. After ng 3 hours namin sa Chem Lab, dun sa labas. Tinatabihan ni Bhez si Bago kong Crush. Hindi ko tuloy sila pinapansin. Putek, naiilang na ba ako!? HAHA. O_o

Ang tagal nila magusap usap sa paggawa ng Trash Can, project namin sa Chem Lab. Tsss. Hindi na kami tuloy ni Kathy sa SM! Naudlot ang panunuod namin ng Despicable Me. :| Kaya naglunch na lang kami nun sa Nursing Canteen. Tas pagbalik sa Federizo Hall, wala pa ring nangyayari. haha. At andun si crush so nailang na naman ako?! haha. O.o Kaya naghanap kami ng ibang pwesto tapos naglaro ng UNO with Kathy, Jane, Tina, Rickmark, Razell, Ronie and Rhuie. Whew. Natalo pa kami ni Razell sa second round nun. Eh may rules na. Pag natalo, papahiran ng polbo sa mukha. So ang ganda ng mukha namin ni Razell nun. haha. Buti na lang sa last game hindi na ako natalo. Sila Jane at Ronie na. haha. Pero tsk. Hindi pa din daw pwedeng burahin ung nasa mukha namin nun. Kahiya na naman tuloy ulit kay Crush. HAHA.

4:20 PM. Kamusta naman? Hindi pa rin nagagawa ung trash can! haha. So pumunta na kami sa building namin nun, CoEng tas aun, pinagdikit dikit na ung mga Bote. *aus na mukha namin nito, at umuwi na si kras. :|* At very goood. Naubusan kami ng Packing este Packaging? NO. Basta scotch tape na malapad. hahaha! Tas may magkaklase na rin sa room na pinaggawaan namin nun so labas muna at naghintay sa bumili ng tape. While waiting. *ang tagal nila* haha. Nainip na nga ung iba, so umuwi na sila. haha. Syempre, ung boys hindi pa. Birthday ni Kurt! haha. Party party! ekk. Nung umuwi na si Sara, bumalik si Ronie so kami2 na lang nila Reylin at Karen ung girls. Tas ung boys na magugulo. Ekk. XD


Finished Product. Echos. haha. Tutuloy pa yan bukas. Aun. Nung naitago na yan. Nagharutan muna kaming magkakaklase. Umakyat kami sa 3rd floor na madilim. WHEW. haha. Nagtakutan pa weh! Tas nun pala. sila Jayvee. Bumaba tas pumunta sa gilid ng building. Sa pinagwa-wall climbing. Deh aun, napilay si Jayvee. haha. Natanga ng bagsak. XD Nung pumunta kaming dalawa sa may pinto nun eh, ayaw na kong palabasin! haha. Sinasara ung pinto. haha. Ok. Wala lang. XD

Nung uwian na talaga, sa second gate pa ko nadaan. haha. Kala ko kasi magghost hunting / aakyat pa ng Roxas Bldg rooftop sila Reylin nun. haha! Kaya aun, dun na lang sila dumaan sa kapitolyo, para mahatid ako ng slight. haha. Sumasayaw pa si Tony Van ng Careless Whisper nun. hahaha! Tas sa kapitolyo, may kaskaserong driver pa kaming naencounter. Aba! Kala mo naman daw eh gwapo. haha! Aun. Hiwalay na ng landas. haha. Nakita pa ko ni Pipo bago umuwi. Whew. XD Tas aun. Chillz ulit pagdating sa Bayan bago umuwi. Hersheys naman. Whehe. :)


EiGHTEEN. Ü
- weh. ayoko nga. LOLJK. Hindi ako pumasok! Yey. Sino'ng tamad?! hahaha. Kasi namang NSTP yan ehh. haha. Deh aun. Eto na ako. My Weekend Life: INTERNET. :))



YYY




Y ; The Last Song. ;-)
Written at Sunday, September 12, 2010 | back to top


Seventeen-year-old Veronica 'Ronnie' Miller's life was turned upside-down when her parents divorced and her father moved from New York City to Tybee Island, Georgia. Three years later, she remains angry and alienated from her parents, especially her father ...until her mother decides it would be in everyone's best interest if she spent the summer on Tybee Island with him. Ronnie's father, a former concert pianist and teacher, is living a quiet life in the beach town, immersed in creating a work of art that will become the centerpiece of a local church. The tale that unfolds is an unforgettable story about love in its myriad forms - first love, the love between parents and children - that demonstrates, as only a Nicholas Sparks novel can, the many ways that deeply felt relationships can break our hearts ...and heal them.



.. eto lan din ung nasa likod ng DVD eh. haha. Yup, sa DVD ako nanuod last night. At hindi ako nagsisisi. I swear. haha. Grabe. Todo iyak ako. Hindi lang luha! Jusko. Ito pa lang yatang movie na to nagpaiyak sakin ng ganun. Epic! Sht. HAHA. XD Kahit hindi naman nakakaiyak, iniiyakan ko. haha. Joke! Basta. Nakakaiyak naman kasi talaga weh. Actually, wala namang nakakaiyak sa Love Story nung dalawa. Dun lang talaga sa part ng Daddy niya. Aun. Alam na. haha. Sobrang iiyak ka sa movie na toh, especially kung Daddy's Girl ka. And I'm one of them. Kaya ang hirap hirap umiyak niyan kagabi. Lalo na kung hindi lang isang part ng mukha mo ang nilalabasan. hahaha. Gets? Eyes and Nose baby. :P tsk. Grabe talaga. Hindi ako makahinga niyan. Hirap. Barado nose ko.


"We're not perfect, any of us.
We make mistakes, we screwed up.
But then we forgive and we move forward."
-- Ronnie's Mom.



YYY




Y ; Still UNDECiDED. :(
Written at Monday, September 6, 2010 | back to top

Why so Ninas Kugon? Why so weak when it comes to decision making? PUTEK. Magshi-shift ba or hindi? :(

Before i rant everything, magkkwento muna ako. Hmmm. I like this day. hehe. Masaya! :D

Algebra ang first subject namin. Pero wala daw si Ma'am. \m/ May pinagawa lang as usual sa libro na hindi pa naman niya nadi-discuss. In short, self study. HAHA. Dahil tinatamad ako magsagot, sumama ako kay Bhez sa Activity Center. Andun sila Brain, Almon, Daniel and Bryan. PE kasi nila. Ehde kay Daniel ko pinasagutan ung sasagutan namin sa Algebra, unfortunately ung number 1 lang nasagutan niya. hahaha. Luckily, ung kaklase nila Brain, nasagutan ung tatlong items dun. Yay! pwede na un. haha. Bumalik na ako dun sa Nursing Canteen, andun ung classmates ko eh. Kumain pa sa labas sila Bhez at Glenn. Yiih, date. HAHA. Choss.

kwentuhan lang naman kaming classmates nun. haha. masaya kasi si aljon at kathy ay magkatabi na naman. deh hindi na natigil ung bunganga. choss! haha. masaya talaga. benta sakin jokes nila eh. kahit corny. wala eh, ganun talaga ko. HAHA. puto-copy at puto-bumbong jan! :))

tapos philo na. aun. katabi ko pa rin sila. tas sa harap ung dalawang mokong. himala. may nakain sigurong hindi maganda. HAHA. ekk. aun nga. isa pa tong corny we. ung prof namin. logic kasi diba? ehde nabanggit ung circuit. hindi daw namin pwedeng malaman un kasi CIRCUIT. harhar. gets. *sikret* HAHA. :))

tapos walang english! yaaaay. haha. habang vacant nun. 3 hours! pero aun. dun lang kami sa baba na magkakaklase. naguusap usap kung saan pupunta at kaninong bahay ang tatambayan. lalo pang tumagal ang pagdedesisyon namin nung nalaman namin na walang drawing! wuhooo. party! ang saya saya. sobra. HAHA.

hanggang sa nakapag'decide na nga sila rhuie, pupunta sila ng bayan. tapos sila karen, sa mcdo. kaya lang, kami nila jaymark at delfin. still undecided. haha! kaloka. deh aun. kila karen na lang kami sumama. babalik pa kasi ako ng bsu ng 1pm eh. :))

sa mcdo nga. aun. haha. grraaaabbeee! akalain mong nakagastos pa ako? birthday ko daw! haha. nalibre ko lang naman sila delfin, karen, jaymark at reylin nun. tsk. coke floooaaat! haha. :D aun. mdami din kaming napagkwentuhan nun. di nko mgbbanggit kasi napansin kong dito pa lan, eh mahaba na tong post ko. tsk! haha. XD


and this is it. bumalik na nga ako ng bsu at kinausap ang tito ko. tsk. kainis naman eehh! ayaw din niya akong mag-shift. alam mo un? SAYANG ang engineering. madali lang lumipat sa CiCT. pero ang bumalik sa engineering? NAKO. asa pa ako! anuberr. -____- lalo lang tuloy akong naguluhan. haha. anu ba talaga teh? T__T

i swear, 50-50 pa rin. IT ba or COE? puta. haha. kaya lang naman gusto ko ng IT eh kasi ung subjects. haha. nauuna kesa sa COE. pero ang COE, kahit saan mo tingnan, mas magandang course pa rin talaga. although wala pa siyang board exam. tsk. at sa third year pa ang majoring. eh kasi namaaan. bakit hindi ako ganun kagaling sa math!? daddy! peram ng utak! hahaha. =) un lang naman problema ko eh. MATH lang talaga. well, sino bang hindi problema un dba? TSK. haha. bakit kasi ang tamad ko! haha. *wala kasi akong inspiration* wehh? un nga ba? O_o haha. oh well. anuberrr. talaga namaaaan.



bakit hindi ko maiwanan ang COE.
*engineering. un na un! hello?! nakapasa ako dito. i deserve this, k? hindi ako nagpalakad lang or whatsoever para lang makapasok sa college of engineering ng bsu.
*my classmates! ang daming gwapo. charr! haha. napamahal na ako sa kanila. habang tumatagal, lalo kong nare-realize kung gaano sila kasaya kasama. kahit na nasa 60+ kami. well, the more the merrier!

excluded reasons: *anu daw?*
*pag umuwi na si daddy dito sa november. 2nd sem na yon. which means. pwede na niya akong turuan sa studies ko, especially math. hindi ung mahihiya pa ako mag-approach kay tito belar at kuya jonathan para lan magpaturo ng math. HAHA.
*other classmates. specifically, girl classmates. OO. kahit na nasa 20 lang yata kaming girls sa 1B. hindi ko gusto minsan ung pinapakita nilang ugali kahit na wala namang kinalaman sakin or hindi ako involved to that situation. getss? ewan. basta. i keep it to myself. pero.. wala lang talaga. haha. pakikisama na lang talaga. and i guess, later on naman. mabbago din ung tingin ko sa kanila. haha. gaahd, im committing a sin! LOL. :D
*no board exam. but still. engineering ang title mo. haha. sana nga lang talaga magkaron na ng board exam to eh. para may license. :))
*sayang ang T-Square, techPen, triangle and other drawing materials na binili ng mommy ko! mahal un! hahahahaha. =)


(hayjusko sa mga oras na toh, lumalamang na ang COE. syeeet! haha.)
juskeli. ayoko na. wala na akong maitype pa dito sa blogpost na re. pero deep deep inside my brain, marami pa siyang gustong sabihin. lintek! haha. ang gulooooo. help me naman! ;)



YYY