<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7272572300702950927?origin\x3dhttp://alenacruz271.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Hello Kitty



Y ; First Day. -___-
Written at Tuesday, June 15, 2010 | back to top

Warning: This is going to be suuuuuuper long.

Before the First Day..
Mtutulog na ako. uh. 11? haha! Echos. Silent lagi tone ng cellphone ko every time matutulog ako. Pero this time, ginawa ko siyang Beep Once. At dahil don, before one na rin ako nakatulog! Nakaka'tempt basahin ung mga Gm's. Sunod2 pa kasi. haha.

Goodmorning!..
Ten minutes before four o'clock, nagising na ako. Tssssk. 4am kaya alarm ko. So pikit ulit, inaantok pa din naman ako nun. Tapos pagmulat ko, 3:58. Nakanang! 2mins na lang eh. Deh aun. Nag'alarm na. Naligo na ako.. For almost 30 mins. Yeaah. Lumampas! Nyaha. Trip ko. XD Taposs.. Basta. morning rituals.

Byahe..
Around quarter to 6am. Umalis na ako ng bahay. Tapos naghintay na ng mga makakasabay sa Mini Stop. Wala pa namang 6:10 siguro umandar na ung jeep. Madilis ding napuno eh. Kasabay ko sila Rodlyn, Darrine, Ilyn and Abby.

Sa BSU..
Eto na. Time to look for our classroom! Hinanap namin nila Darrine at Rodlyn kung san. Kaso.. Lintek! Akyat'panaog kame! San ba talaga? Amp. Un pala, nakapost sa third floor ung rooms ng COE and other Freshman Engineering Students. Pucha. Kala ko dun kami sa bagong building eh. Oo nga, bagong building. As in Under Construction. Tngna. Wala lahat talaga. As in. Bintana lang. Gusto mo? haha. Walang blackboard, table, chairs and other stuff. As in under construction talaga.

First subject..
Trigonometry. 7am-9am. Room 204. Pero dahil sa under construction nga at hindi naman nagtyaga dun ung prof nga namin dun. Aun! Tumambay na lang kami sa gilid ng High School building. With Arvy, PJ, Bravo, Irish, Josh, Darrine and Rodlyn. Ayon! harhar. Nakakaloka talaga ung building namen. -__-

I saw my tito na part ng Education Admin sa BSU. Basta ung ganun! haha. Dahil nasa 2nd floor pa siya at tinatamad akong umakyat. Sinigawan ko na lang. Echos!

ME: Tito! Wala po akong building?
Tito: Wala kang building? Ayan oh, daming building. Mamili ka dyan.

Puta! Sige, magkapatid nga kayo ng Daddy ko. hahaha. Badtrip.

Tapos sinamahan ko si Irish. Lakad dito, lakad doon. Balik balik. Haaaay.

PE Time..
Before nine, nagpunta na kami nila Darrine, Rodlyn, Glenn Harold, PJ, Bon, Jason at ng kung sino pa sa Gym. Ok naman. Nung 9am na. Inayos na ung PE. Haaay. sa wakas. May napasa rin akong Class Card. Pero loner ako sa klase kong un. hahaha. Buti na lang mabait si Ma'am Marcelo. Wiwit. One hour lang ang klase that supposed to be two. Pano busy. Laging ine'excuse. Ganun sana! haha. Tapos may sinabi siya. Orientation kasi. Ehde bida sila Attendance and Late. =)) Ayon. Bukas daw, walang pasok kasi may General Faculty Meeting. Ay tuya mo Alena! Di nga? hahaha. Naku naman. XD

Vacant?..
Kasama ko naman ngayon sila Wena, Ilyn, Darrine, Jeanette and Rodlyn. Dun kame sa may harap ng bilihan ng ID Strap. Ng bigla naming mamataan si MJ! Oyeaaah. Ung super crush namin na Acolyte. Haaay. Wiwit. May nakita ding gwapo. haha. Well. Nakita ko na siya nung Sunday, nagsimba kami. haha. 0=) Dumating na nga si Tham. Kasama si Ate Alby. Pero, nasa CR sila Wena, Darrine at Jeanette kaya ayon. Hindi sila nagabot, umuwi na si Ate Alby.

English Time..
11am. Hindi pa mahanap ni Tham ung room niya. Sinamahan pa muna siya namin. After makapag'tanong sa Dean nila. Ayon. Nasa klase na niya siya! haha. Then ako naman ang hinatid. Wheeew. Lakad ulit. Tas ayon. Ako naman ang na'late. Buti na lang andun na dalawa kong ugok na classmates. haha. Nakahabol ako sa gawain. Deh dakdak lang dun si Ma'am Estrella. haha. Alphabetical chine'check ung Certificate of Registration namin (COR). Ehde ayon nga.

Ma'am Estrella: Q?.. R?..
*students give their COR*
PJ: Bhez. Knock knock.
Me: Who's there?
PJ: Q. R.
Me: Q. R. who?
PJ: Q. R. The only exception.
Me: Nyehehehe. Bhez corny pa din. XD

Ohkaaaay. Sorry naman hano? Epekto lang yan ng kapaligiran. Tagira. Saksakan ng init sa Room 206! Di ba nga? Wala lahat. Ehde nakatayo kami tas nakaupo ung iba. Syet. Tagaktak ang pawis! Basang basa panyo koooo.

Lunch..
Buti na lang medyo maaga kami dinismiss ni Ma'am Estrella. Tapos nagutom na ko. Dapat lang! Eh kaso ung dalawa kong ugok na kaklase, nauna nang kumain. So sinamahan na lang nila ako. Kumain na ako sa KFC. Tapos balik na sa BSU. Haaaay. Humiwalay ako sa kanila nung nakita ko sila Tham, Ilyn and Jhem. Kaso kakain pa sila. So nagpunta na lang ako sa Goto my Love. hahaha. Ung katabi ng leche naming building. Andun sila Gelli, Jeanette tas Darrine. Ohyeah. Future engineers! haha. Then dumating na rin si Irish, Abby tas Princess. Kwentuhan. Dumating na din ung boys. haha. Ayon.

Last period..
12nn-1pm was supposed to be our Philo/Logic subject. Pero dahil sa off limits nga si Room 204. Walang klase! haha. 1pm-2pm. Filipino. We waited there. Naglaro ako nung Spongebob thingy ni PJ. Tapos sabi ni Glenn Harold, maghintay tayo ng 20 minutes. Pag wala pa rin umuwi na tayo. Deh ayon nga. Countdown na. haha. Wala pa rin. So nauna na silang umuwi. Loner na ako sa room namin. T___T haha. Dial ako ng dial sa mga dating classmates. Serbis! haha. Tagira. Buti may load pa rin ako kahit papano.

Before umuwi..
Bumaba na ako dun sa Goto my Love. HAHA. Andun sila Darrine, Princess at Abby. Tapos nainip na kami, gusto na naming umuwi. Kaya ayon. Pinuntahan na namin sila Ilyn, Tham at Jhem sa harap ng IT bldg. And boom! Nakita namen si Joanna. haha. HAPPY BIRTHDAY! As in. Sumigaw talaga kami sa pagtawag kay Joanna. Tae. Nakakahiya. hahaha. Daming tao we. Deh ayon. Niloloko namin. Siya na maglibre samen ng McFloat. haha. Palabas ng BSU, si Emae naman nakita namin. Deh ayon. Sama2 na pagpunta sa McDo tas bumili na nga ng kanya2ng McFloat.

Paguwi..
Sa jeep. Ayon. ang daldal nila. Lalo naman si Emae. haha. Ako'y tahimik na lang nuon dahil ako ay pagod naaa. -___- Kaasar pa. Medyo nadoble na rin pamasahe ko. Amp. 17+14! Tssssk. Dapat hindi ko na lang pinalit ung barya. Haaaay. haha. Sa jeep. Napagisipan naming pumunta sa SMAH. :))

Sa SMAH..
Si Karamil ang guard pero dahil sa mabait na siya. HAHA. Pinapasok niya kami. Nakita pa namin si Mama Mhel ehde kaway jan! haha. Unang target ang Napakagandang Library. Hoooo. Sir Jeff. Ewan ko sayo. haha. Ehde palamig kami. Aircon! Tas nakipagkwentuhan kay Sir Jeff. Napuntirya course ni Ilyn. HAHA. Dapat tatawagan ko si Karel eh tapos papakausap ko kay Mme. Dory kaso busy si Mme. haha. Deh. Guidance naman. haha. May pinanuod smeng presentation si Mme. Joyce. Wiwit. Pictures nila nung bata. haha. Kyooot. Kasama na din dun si Sir Paul. haarrr. Naintriga pa kay Jewelle. hahaha. Laughtrip. Tas daan saglit sa Faculty. Sabi kasi nila bisitahin namin Adviser namen. hahaha. Jk. Ayon. Sumilip kami sa Coor. Pero wala dun si Ninang Beth ni Emae. haha. Tas nakasalubong ko si Nurse. haha. Tas after sa Mercury uwian na!

Uwian na nga ba?..
Badtrip. Wala pang tricycle. Tagira. Nagka'buhol buhol nai mga tricycle sa kalsada. Tsssk. Buti nakita ko si Mame. Ehde ayon. Sinamahan ko sa Metrobank para magbayad ng net connection namen. haha. Tas pagod na ko. Nagpabili na lang ako ng Nestea. Kung ano2 pa ngang pagkain sinu'suggest eh. haha. Eh ayon. nagpalibre na lang ako ng pamasahe. hahaha.

Sa bahay..
Tae. Nakakapagod! Buti na lang Uber ung naabutan ko. Wiiit. Kahit andon si Tricia. Andun naman si Eslove! haha. Tas nagcomputer lang ako. Medyo nawala naman ng konti pagkapagod ko. Badtrip lang si Al kung ano2 pa sinasabi. Hindi naman ako interesado. Asar pa! -__- Tapos ere na. Fast forward. Nagttype na ako ng Blog. :)



Haaay. Hindi ko talaga feel ang First Day. Kakainis. -____- Nakakatamad talaga pumasok sa ganung klaseng kapaligiran. HAHA. Amp. :| Nagkanda'Vacant2 ako. Ehde supposedly pag Tuesday wala naman talaga kong vacant. Ayos na rin. Pero badtrip lang talaga ung Bldg namen. :|



YYY